Parañaque, pinakaunang nabigyan ng AstraZeneca vaccine

DALAWANG daang dosis ng bakuna ng AstraZeneca ang inilaan ng pamahalaan sa ospital ng Parañaque District II.

Si Dr. Olga Virtusio na City Health Officer ng Parañaque ang unang doktor na naturukan ng bagong dating na bakuna sa bansa .

Bukod kay Dra. Virtusio, ay dalawandaan health workers ng lungsod ang nakalista na mabibigyan ng AstraZeneca vaccine.

Karamihan sa kanila ay mga may-edad na o senior health workers.

Nagpasalamat naman si Parañaque Mayor Edwin Olivarez kay Sec. Galvez sa pagkakapili ng kanilang siyudad na unang mabigyan ng AstraZeneca vaccines.

Sa isang panayam naman ay nagbigay si vaccine czar Sec. Carlito Galvez ng update sa vaccination program ng bansa gamit ang unang dumating na bakuna ng Sinovac.

Nagbigay rin ito ng detalye ng mga lugar na kanilang pupuntahan para mamahagi ng bakuna, kabilang ang pamamahagi ng AstraZeneca vaccine.

SMNI NEWS