MATAPOS na masungkit ni Nesthy Petecio ang bronze medal para sa boxing sa Paris 2024 Olympics, kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang agarang pagtataas sa ranggo nito.
Sa panayam kay Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, aakyat sa Second Class o Petty Officer 2 si Petecio at agad itong ipagkakaloob sa atleta oras na makauwi na ito sa bansa.
Ipinagmamalaki ng PCG ang tagumpay na nakamit ni Petecio na nakapagbigay ng karangalan para sa Pilipinas sa larangan ng isports.
Hindi man umusad para sa silver medal bout si Petecio, malaking tagumpay pa rin ito sa isang Pilipino na maging kinatawan sa pinakaprestihiyosong sporting event sa buong mundo.