Park Eun-Bin, magsasagawa ng fan-meet sa bansa

Park Eun-Bin, magsasagawa ng fan-meet sa bansa

MAGSASAGAWA ang South Korean actress na si Park Eun-Bin na bumida kamakailan sa hit legal drama “Extraordinary Attorney Woo” ng fan-meet sa bansa base mismo sa pahayag ng kanyang management company.

Base sa Instagram stories ng Namoo Actors, nag-upload ito ng poster para sa 30 taong gulang na aktres ng fan meeting nito na nakatakdang idaos sa October 23 sa SM Sky Dome sa Quezon City.

Ang aktres ay magsasagawa rin ng kaparehong event sa Thailand, Singapore, at Japan base sa Namoo Actors.

Kilala si Park na bumida sa iba pang drama gaya ng “Do You Like Brahms?” at King’s Affection.

Hindi pa naman ibinabahagi ng organizers ang presyo ng ticket at kung kailan maaaring makabili.

 

Follow SMNI News on Twitter