Parliament Ministers sa Australia, suportado ang tahimik na pakikipag-usap ukol sa kaso ni Assange

Parliament Ministers sa Australia, suportado ang tahimik na pakikipag-usap ukol sa kaso ni Assange

SUPORTADO na ng mga Ministro ng Parliamento sa Australia ang tahimik na pakikipag-usap sa mga bansang may kaugnayan sa kaso ni Julian Assange.

Inaprubahan ng United Kingdom ang extradition ni Assange sa Estados Unidos kung saan siya ay nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng batas sa pag-espiya.

Ito ay matapos niyang ilabas at ilathala ang Wikileaks higit isang dekada na ang nakalipas.

Inaasahan namang aapela ang legal team ni Assange para sa desisyong ito.

Samantala, inihayag naman ni Prime Minister Albanese na naniniwala pa rin itong dapat makauwi na sa Australia si Assange sa kabila ng pahayag na hindi ito lantarang makikialam sa pangyayari.

Ayon kay Albanese, makikipag-ayos sila sa usaping ito sa diplomatikong pamamaraan at hindi hayagang ipapakita sa publiko.

Matatandaan na inakusahan si Assange ng pagtulong sa dating sundalo ng US na si Chelsea Manning na makakuha at mag-leak ng classified information tungkol sa mga digmaan sa Afghanistan at Iraq.

Follow SMNI NEWS in Twitter