PINABIBILIS na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang parselisasyon o paghahati-hati ng agricultural lands sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ginawa ito sa pamamagitan ng Problem-Solving Session para sa Individual Land Distribution Folder (IDLF) Review sa ilalim ng Support to Parcelization of Land Through Individual Titling (SPLIT) Project.
Hangad ng DAR, na makapagbigay o makapag-isyu sa mga indibidwal o agrarian reform beneficiary ng titulo ng lupa.
Nasa 7,000 ektarya ng lupa ang nakabinbin pa rin sa provincial office habang 187 ILDF ang nais tugunan ng ahensiya.
Ang ILDF ay produkto ng field validation activity ng mga SPLIT implementer, kung saan kinalap ang lahat ng impormasyon sa mga lupa na isasailalim sa parselisasyon.