Partial solar eclipse, masasaksihan din sa UAE sa Oktubre 25

Partial solar eclipse, masasaksihan din sa UAE sa Oktubre 25

MASASAKSIHAN din sa United Arab Emirates (UAE)  ang partial solar eclipse sa Oktubre 25.

Maaari nitong maabot ang maximum event bandang 3:52 pm kung saan higit 30 porsyento ng surface ng araw ay natatabunan ng buwan.

Ang mga solar eclipse ay nangyayari tuwing nakahilera ang araw, buwan at ang ating planeta nang buo o kalahati.

Hinaharangan ng buwan ang araw at nagpapalabas ng anino nito sa mundo kung saan makikita ang eclipse na ito sa mga lugar na nasasakop ng nasabing anino.

Samantala, importante namang magsuot ng protective eye wear upang makita nang mayos ang solar eclipse dahil ang exposure nito ay posibleng magdulot ng retinal damage.

Hindi naman mapoprotektahan ang mata ng mga simpleng sunglasses lamang.

Ang pangyayaring ito ay makikita sa Europa, Hilagang Africa, gitnang silangan at kanlurang bahagi ng Asya ngayong taon.

Ang isang eclipse ay posibleng magt—-agal ng pito at kalahating minuto depende sa kung ano ang posisyon ng araw, buwan at mundo.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter