Partisipasyon ng 42,000 barangay sa pag-unlad ng bansa, hiniling ng mga opisyal ng NTF-ELCAC

Partisipasyon ng 42,000 barangay sa pag-unlad ng bansa, hiniling ng mga opisyal ng NTF-ELCAC

ISINAGAWA ng mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang kanilang ikalawang executive committee meeting.

Ito ay sa pangunguna nina National Security Adviser Clarita Carlos, Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.; at AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Ayon kay Carlos, kabilang sa tinalakay nila ang “whole of nation approach” katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang makamit ang pambansang pag-ulan.

Kasabay nito, hinikayat ni Carlos ang partisipasyon ng 42,000 barangay upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ibinida naman ng militar ang kanilang tagumpay kontra insurhensiya kung saan mula 89 guerilla fronts noong 2016 ay bumaba na ito sa 23 ngayong 2022.

Samantala, inanunsyo ng NTF-ELCAC na si Ma. Cecilia Pacis ang kanilang bagong tagapagsalita.

Follow SMNI NEWS in Twitter