Partnership ng COMELEC at Rappler, posibleng magdulot ng dayaan sa halalan — law expert

Partnership ng COMELEC at Rappler, posibleng magdulot ng dayaan sa halalan — law expert

NABABAHALA ang anti-election fraud advocate na si Atty. Glenn Chong sa tambalan ng Rappler at COMELEC.

Saad nito na mas kumbinsidong magkakaroon ng dayaan sa eleksyon dahil sa mga bagong development.

Hinamon din nito ang COMELEC at Smartmatic na patunayan na hindi ‘cheating machinery’ ang Smartmatic.

Samantala, kinuwestyon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang naging ugnayan ng COMELEC at Rappler.

Sa kanyang live Powerline program ngayong hapon, sinuportahan ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy ang liham ng NPC sa COMELEC.

“Naku!? The least trusted po ‘yan. Ito yung sulat ni National Press Club of the Philippines Paul Gutierrez ano? Tama kayo Mr. Paul Gutierrez, ang president ng National Press Club. Tama yung pagtutol niyo, kasama niyo kami riyan,” sinabi ni Pastor Quiboloy.

Una nang nagpahayag ng pagtutol si Mr. Paul Gutierrez sa pamamagitan ng liham sa COMELEC sa kanilang ugnayan sa Rappler bilang media partner para sa pagbabantay ngayong eleksyon.

Ayon kay NPC President Paul Gutierrez, kilala ang Rappler sa kanilang bias reporting.
“Rappler, of all media entity sa Pilipinas? Eh mas mataas pa ang rating ng SMNI diyan ‘di ba? Rappler is the least trusted media entity sa buong Pilipinas na kinuha pa ng COMELEC?”
Bukod dito, tumatanggap rin daw ng foreign funding ang Rappler na ipinagbabawal sa konstitusyon.
‘It is an established fact that Rappler has a spotty record when it comes to the dissemination of ’truthful information’ considering its record of gross bias in its reportage that resulted in its current legal woes,’ saad sa liham ni Gutierrez sa COMELEC.

Follow SMNI News on Twitter