Party-list Bloc, sinagot si Sen. Robinhood Padilla

Party-list Bloc, sinagot si Sen. Robinhood Padilla

MAY resbak ngayon ang Party-list Bloc o ang samahang party-list sa Kamara sa naging pahayag ni Senator Robinhood Padilla na i-abolish na ang party-list system.

Sa pahayag ng Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI), may desisyon na ang Korte Suprema na kumikilala sa karapatan ng party-lists na katawanin ang iba’t ibang sektor sa Kongreso.

Tinukoy ng PCFI ang desisyon ng SC sa Paglaum v. COMELEC case noong 2013 na hindi lamang dukha ang kinatawan ng isang party-list.

Ayon sa PCFI, ‘ang kailangan lamang ay tunay na kinakampeon ng isang party-list nominee ang kapakanan ng mga naaapi at naisasantabi sa lipunan.’

At batay sa desisyon ng SC, malinaw kung bakit at kung paano nirerepresenta ng party-list organizations ang iba’t ibang sektor sa Kongreso.

‘’There is no requirement in R.A. No. 7941 that a national or regional political party must represent a “marginalized and underrepresented” sector. It is sufficient that the political party consists of citizens who advocate the same ideology or platform, or the same governance principles and policies, regardless of their economic status as citizens,’’ saad ng grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter