Parusa sa smuggling, hoarding, walang natatakot dahil walang nasasampahan—Roque

Parusa sa smuggling, hoarding, walang natatakot dahil walang nasasampahan—Roque

WALANG natatakot sa parusa na nakasaad sa batas para sa smuggling at hoarding.

Ayon kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, ito’y dahil wala namang nasasampahan ng kaso hanggang ngayon.

Iminumungkahi ngayon ng butihing abogado kay Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla na magsampa na ng kaso at gamitin na ang National Bureau of Investigation (NBI) kung hindi gagalaw ang Philippine National Police (PNP) para hulihin ang smugglers at hoarders.

Noong Setyembre 16, nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) mula sa tatlong warehouses sa Tondo, Manila ang pinaghihinalaang puslit na mga bigas at iba pang imported products na nagkakahalaga ng P400-M.

Kung saan P90.2-M dito ay mula sa 36,086 sako ng imported na bigas mula Vietnam, Thailand, at Myanmar.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter