MULING inihain ni Sen. Bato Dela Rosa nitong Hulyo 1, 2025 ang panukalang batas na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan para sa mga malakihang drug trafficker.
Una na itong inihain ni Dela Rosa noong taong 2019.
Ang panukalang ito ay isa sa mga prayoridad ng senador lalo na at siya ang katuwang ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa drug war campaign noon.
Maliban sa panukalang parusang kamatayan sa drug traffickers ay naging prayoridad din ni Dela Rosa ang mga batas tulad ng Reserve Officers’ Training Corps Act, Anti-Drug Abuse Council Act, End Local Communist Armed Conflict Act at marami pang iba.