Pasahero na nahuli sa 1 oras na itinakda bago ang iskedyul ng flight, pwedeng i-offload ng airline─CAB

Pasahero na nahuli sa 1 oras na itinakda bago ang iskedyul ng flight, pwedeng i-offload ng airline─CAB

PAULIT-ulit na nagpapaalala ang mga nangangasiwa sa paliparan maging ng airlines na siguraduhing maaga ang pagdating sa airports ng mga pasahero bago ang iskedyul ng kanilang flights.

Bukod kasi sa napaka-traffic ng mga lugar na dadaanan bago makarating sa paliparan, may mga kinokonsidera din na oras na pwedeng ma-offload ang isang pasahero kapag hindi nasunod ang oras na itinakda sa pag-check in.

Sa inamyendahang Air Passengers Bill of Rights (APBR) ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa taong ito, nakasaad sa section 9, at least tatlong oras bago ang scheduled time of departure (STD) bukas na ang check-in counter ng airlines para sa international habang at least isang oras naman para sa Domestic flight.

Nakasaad rin sa patakaran ng APBR na dapat bago ang isang oras, nasa designated check -in area na ang pasahero.

Dahil kung nahuli ang pasahero sa itinakdang oras, karapatan ng airlines na hindi payagan ang pasahero na mag-check in.

“Pag less than 1 hour, yes pwede kang i-bump off, pwede kang i-offload, pwede kang hindi I-check in. so, this is a right and at the same time an obligation,” ayon kay Atty. Wyrlou Samodio, Chief, legal Division, Civil Aeronautics Board.

Kung magkaroon ng alitan sa pagitan ng airline at ng pasahero dahil iginiit ng pasahero na wala pa ang isang oras ay nasa check-in area na ito, ang airline ang magpapatunay kung late o hindi ang pasahero.

“Nirerequire namin ang airline na mag -submit ng Sworn of Statement of Affidavit o kaya humihingi kami at sa airline ng CCTV para mapatunayang late si pasahero or hindi sya late” dagdag ni Samodio.

Kung ang checked-in naman ay online dapat ang pasahero ay nasa airport at least isang oras bago ang STD para sa international flights at 45 minutes naman para sa domestic flights.

“Hindi naman porket naka-check-in ka tapos na lalo na kung international flight marami kang dadaanan, kung ikaw ay may maleta na pagkabigat-bigat, i-che-chek-in mo pa rin ‘yung maleta mo, i-ba-bag drop mo ‘yan, tapos kung international pa ‘yan may dadaanan ka pang check, nandiyan ang X-ray, nandiyan ang immigration. So marami pa,” ani Samodio.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble