Pasaherong nagpositibo sa new variant COVID-19 sa Hong Kong na bumiyahe mula Pilipinas, isang OFW

KINUMPIRMA ng Department of Health na isang Pinay domestic helper na bumiyahe papuntang Hong Kong ang nagpositibo ng new variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom.

Ito ang inihayag ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ani Vergeire, ang nasabing domestic helper ay taga-Cagayan Valley at bumalik ng Hong Kong noong Disyembre 22 at sumailalim sa quarantine at testing pagdating ngunit nagpositibo ito sa bagong variant ng COVID-19 noong Enero 2.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing ang DOH at naniniwala ito na wala pang bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

SMNI NEWS