Pasaporte, hindi maaaring gamitin bilang kolateral sa utang—Embahada ng Pilipinas sa Rome

Pasaporte, hindi maaaring gamitin bilang kolateral sa utang—Embahada ng Pilipinas sa Rome

NAGBABALA ang Embahada ng Pilipinas sa Rome na may hurisdiksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Malta laban sa paggamit ng passport bilang kolateral sa utang.

Ipinaalala ng embahada sa mga Pilipino na ang passport ng Pilipinas ay pag-aari ng pamahalaan at dahil dito, hindi maaaring gamitin bilang panagot sa anumang utang.

Inilabas ang naturang abiso matapos nakatanggap ang Embahada ng Pilipinas sa Rome ng impormasyon hinggil sa gawaing ito ng mga Pilipino doon sa Malta.

Kung mahuhuling ginagamit sa ganitong kalakaran ay awtomatikong ikakansela ang passport.

Posibleng mahaharap din ang isang sangkot sa ligal na pananagutan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble