NGAYONG Linggo, Marso 9, 2025, mula 9:30 AM to 5:00 PM sa Southorn Stadium, 111 Johnson Rd., Wan Chai Hong Kong, gaganapin ang “Pasasalamat kay PRRD with OFWs”.
Ang nasabing rally ng pagpapasalamat sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay masasaksihan sa buong mundo. Naka-live ito sa mga online channel ng Sonshine Media Network International (SMNI) at sabay-sabay na magaganap sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa National Capital Region (NCR), gaganapin ang rally sa Brgy. Bayugo Gym, Meycauayan, Bulacan, Homeland Park Covered Court, Sauyo, Quezon City, Manggahan Covered Court, Brgy. Manggahan, Pasig City, at Airport Village Sports Complex, Brgy. Moonwalk, Parañaque City.
Sa Luzon naman gaganapin ito sa Brgy. Rosario Sports Complex, Santiago City, Isabela, Gracia Village Covered Court Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan, Brgy. Lagyo Covered Court, Gumaca, Quezon Province, Jamaica Mansions Clubhouse, at Brgy. Panal, Tabaco City, Albay.
Sa Visayas ay gaganapin ito sa San Isidro Multi-Purpose Activity Center, Brgy. San Isidro, Talisay City, Pawing Gym, Brgy. Pawing, Palo, Leyte, Brgy. Caridad, Baybay City, Leyte, Purok 5, Brgy. Tinigaw Covered Court, Kalibo, Aklan, Brgy. Talubangi Covered Court, Kabankalan City, Negros Occidental, at Bataraza Covered Court, Bataraza, Palawan.
Habang gaganapin ito sa Mindanao sa Brgy. Sudapin, Kidapawan, North Cotabato, Plaza Luz Covered Court, Pagadian City, Zamboanga del Sur Brgy. Molugan Covered Court, El Salvador City, Misamis Oriental, Brgy. Colonia Covered Court, Valencia City, Bukidnon, RAMZ Square, Castillo District, Mangagoy, Bislig, Surigao del Sur, Gov. Vicente Duterte Gym Agdao, Davao City, SGR Village Gym, Catalunan Grande, Davao City, Brgy. Los Amigos Gym, Tugbok, Davao City, at Freedom Gym, Brgy. New Pandan, Panabo City
Hinimok ng PDP laban senatorial candidates ang mga Pilipino na makisabay sa rally ng pagpapasalamat sa dating Pangulo ng Pilipinas, personal man na pagdalo sa kanilang mga lugar o sa pamamagitan ng panonood sa kanilang mga telebisyon at mobile phone.