Pasay City DOH mabilis na ipamamahagi ang vaccines sa lungsod

Pasay City, Department of Health (DOH) sinigurado ang mabilis na distribusyon sa lungsod ng vaccines dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lugar.

Sinabi ng Department of Health na agad nitong ipapamahagi ang Covid-19 vaccines sa Pasay City upang maprotektahan ang mga healthcare workers nito sa kalagitnaan ng pagtaas ng kaso sa lungsod.

Sinabi din ni Health Secretary Francisco Duque III na ang distribusyon ng bakuna sa lugar ay dagdag hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng impeksyon sa Pasay City.

Noong March 1 lamang ay nakapagtala ang Pasay City local government ng 44 new Covid-19 cases.

Nasa 8,142 na ang kaso ng Covid-19 sa lungsod kung saan nasa 7,410 naman ang nakarekober na mula sa virus.

Base sa listahan ng lungsod, mayroon itong 519 active cases o 6.50 percent ng kabuoang bilang ng confirmed cases sa Pasay.

Ayon sa DOH, isa ang Pasay City sa mga lungsod na planong pabilisin ang pagbibigay ng mga vaccines na Sinovac galing China.

Hinihingi naman ng Pasay City Government ang kooperasyon at pakikiisa ng mga mamamayan nito upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating mga komunidad na ugaliing maghugas ng kamay, ang kahalagahan sa pagsuot ng mask at ang social distancing at kung maaari ay manatili na lamang sa loob ng bahay kung walang importanteng gagawin.

SMNI NEWS