ISASAGAWA sa Hunyo 30 sa Mall of Asia Music Hall ang Trabaho Pasayeño: Mega Job Fair ng Pasay City.
Magsisimula ito alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Aabot sa 50 kompanya ang nag-aalok ng iba’t ibang trabaho.
Ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring magtungo sa job fair ang mga taga-Pasay City na fresh graduate, nais palitan ang kanilang trabaho o maging ang wala pang trabaho sa kasalukuyan.
Sasali naman sa job fair ang mga ahensiya tulad ng National Bureau of Investigation; Social Security System; Pag-IBIG; PhilHealth; Philippine Statistic Office; Department of Trade and Industry; at Philippine Post Office.