Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa Facebook post, sinabi ni Rubiano na napagdesisyonan niyang sumailalim sa RT-PCR test matapos makaramdaman ng ilang sintomas ng coronavirus.

Dahil dito, kasalukuyang naka-isolate ang alkalde.

Ayon kay Rubiano, isinasagawa na ng lungsod ang contact tracing sa kanyang mga nakasalamuha at sa maaaring naging source ng sakit.

Tiniyak naman ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na tuloy ang pagbibigay serbisyo ng local government at pagbibigay tulong sa mga residente na nangangailangan.

Hanggang kahapon, nakapagtala ang Pasay City ng 7,137 confirmed COVID-19 cases kung saan 6,873 dito ang gumaling na, 184 ang nasawi at 80 ang active cases.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.