Pasay LGU at Indonesia, nagkaisa para sa libu-libong trabaho at mas matatag na ekonomiya

Pasay LGU at Indonesia, nagkaisa para sa libu-libong trabaho at mas matatag na ekonomiya

ISANG Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan ng Pasay City Local Government Unit (LGU) at ng Indonesian Embassy nitong Biyernes sa Lungsod ng Pasay, upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa.

Pinangunahan nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Indonesian Ambassador to the Philippines Agus Widjojo ang paglagda ng MOU na naglalayong palakasin ang relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Indonesia.

Isa sa pangunahing layunin ng MOU ang paglikha ng libu-libong oportunidad sa trabaho sa Pilipinas.

Inaasahang magpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagtutulungang ito, na may tinatayang potensiyal na 6% na pagtaas sa Gross Domestic Product (GDP).

Ang pamumuhunan ay inaasahang magpapasigla rin sa lokal na ekonomiya ng Pasay City, na magpapalakas sa mga lokal na negosyo at magdudulot ng positibong epekto sa kabuuang ekonomiya ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble