Pasay Mayor Rubiano, patuloy ang serbisyo kahit naka-quarantine

PATULOY ang serbisyo na ibibigay ni Pasay City Mayor Emi Calixto- Rubiano sa kanyang mga residente.

Ito ang pangako ng alkalde sa kabila ng pagpositibo nito sa COVID-19 at kasalukuyang naka-quarantine.

Ibinahagi ni Mayor Rubiano na ipinag-utos niya sa lahat ng head ng departamento, mga opisina at mga opisyal ng Pasay na ipagpapatuloy ang mga programa, proyekto at serbisyo kung kaya’t wala aniyang dapat ikabahala ang mga residente.

Samantala, pinaalalahanan naman ng alkalde ang lahat na hindi magsawang sumunod sa mga health protocols dahil walang pinipili ang COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.