Pasig City, ipagdiriwang ang 30th National Family Week

Pasig City, ipagdiriwang ang 30th National Family Week

IPAGDIRIWANG ng Pasig City government ang 30th National Family Week.

Ito ay bilang pakikiisa ng LGU sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Committee on the Filipino Family sa nasabing selebrasyon.

Ang selebrasyon ay may tema na “Families and Urbanization” na may sub-theme na “Urbanisasyon at Pamilyang Pilipino: Magkaagapay sa Pagpapatibay at Pagpapaunlad ng Bansa”.

Ayon sa Pasig LGU, nakatuon ang pagdiriwang ngayong taon sa impact ng urbanisasyon at migration sa mga Pamilyang Pilipino.

Inaaanyayahan naman ng LGU ang mga residente nito na abangan ang mga aktibidad na kaugnay ng selebrasyon ng 30th National Family Week sa Pasig na pangungunahan ng Pasity City Office of Social Welfare and Development.

 

Follow SMNI News on Twitter