IPINAGDIRIWANG ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang Local Government Month bilang paggugunita ng ika-31 taong anibersaryo ng pagpasa ng Local Government Code (LGC) noong 1991.
Layunin ng LGC na makapagbigay ng mas mabilis na serbisyo sa mga tao at pagbibigay prayoridad sa mga nasasakupan nito.
Kasabay ng selebrasyon, naglunsad din ang city government ng Pasig City CSO Workshop for Governance Engagement and Protection kung saan magagamit ng mga lokal na pamahalaan.
Inaasahan din ni Pasig City Mayor Vico Sotto na gagawin nang mahusay ang pagpapatupad ng mga programa sa lungsod.