Pasig City Mayor Sotto, nagpaalala na huwag mag-panic buying at withdrawing

Pasig City Mayor Sotto, nagpaalala na huwag mag-panic buying at withdrawing

WoodProfit

NAGPAALALA si Pasig Mayor Vico Sotto sa kanyang mga nasasakupan na huwag mag-panic buying at withdrawing.

Kasunod na rin ito ng pagdagsa ng maraming tao sa mga grocery store at naranasang mahabang pila sa mga ATM machine ngayong araw.

Pagtitiyak ni Mayor Sotto sa mga residente ng lungsod na hindi naman isasara ang mga ATM at grocery kahit na nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila simula bukas.

Samantala, nasa 2,193 na ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City.

Ito ay matapos makapagtala ang lungsod ng 33 na bagong kaso hanggang kahapon, Agosto 2.

Ayon sa Taguig City Government, 12 sa mga bagong kaso ay mula sa Barangay Bagumbayan, pito sa Upper Bicutan, tig-apat sa Lower Bicutan at Tuktukan, 3 sa Pinagsama at tig-iisa sa mga Barangay Napindan, San Miguel at North Signal.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 1,882 na ang gumaling, 36 ang nasawi habang nasa 275 ang active cases.

Ang Taguig City ay nakapagsagawa na rin ng kabuuang 25, 788 pcr tests sa pamamagitan ng smart testing program sa tulong ng drive-thru testing, testing sa mga health center ng barangay, at testing ng CEDSU.

SMNI NEWS

ProVen

Leave a Reply

Your email address will not be published.