Pasig City Mayor Vico Sotto, naka-self quarantine matapos ma-expose sa COVID-19

NAKA-self quarantine ngayon si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ang inanunsyo ni Sotto sa kanyang Facebook live matapos masawi ang kanyang driver dahil sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Ayon kay Sotto, Miyerkules nang magsimula siyang sumailalim sa quarantine at tatagal ito ng 14 na araw.

Maayos naman aniya ang kanyang kalagayan at wala siyang nararanasang sintomas.

Kahapon ay sumailalim na rin aniya siya sa swab test at ngayong araw ay inaasahang malalaman ang resulta.

Sa kabila nito, sinabi ni Sotto na tuloy ang kanyang pagtatrabaho at patuloy na pipirma sa mga mahahalagang dokumento.

Inanunsyo rin ni Sotto na kinansela din ang flag-raising ceremony ngayong araw sa Pasig City Hall at bumalik ang city hall sa alternative work arrangement.

Matatandaan namang si San Juan City Mayor Francis Zamora ay nag-positibo din sa COVID-19 noong Marso 1 subalit naka-recover na ito at sa katunayan ay balik-trabaho na ngayong Lunes.

(BASAHIN: Mayor Vico Sotto, pinangalanan bilang isa sa mga International Anti-Corruption Champion)

SMNI NEWS