Pasig River Ferry System, may handog na libreng sakay para sa mga frontliners

Pasig River Ferry System, may handog na libreng sakay para sa mga frontliners

BILANG tulong sa mga healthcare worker at government personnel ngayong panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), may handog na libreng sakay ang Pasig River Ferry para sa kanila.

Limitado para sa medical frontliners at government employees ang serbisyo ng Pasig River Ferry Service (PRFS) simula ngayong araw.

Ayon sa abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA), magbibigay ng libreng-sakay ang nasabing ferry para sa medical frontliners at government employees ngayong umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

[tie_full_img] [/tie_full_img]

Kailangan lamang ipakita ang valid ID para makapag-avail ng libreng sakay mula Lunes hanggang Sabado, alas 6:30 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Sa bawat pagsakay ng mga frontliners kinakailangang masunod ang ipinatutupad na health and safety protocols:

[tie_full_img][/tie_full_img]

Samantala, ang pagkuha ng temperature ng mga frontliners ay gagawin sa mismong istasyon.

Woodprofit

Kailangan ding magsumite ng manifest form at commuter information sheet, na magsisilbing gabay para sa contact tracing ng ahensiya.

MMDA Command Center, nakatakdang buksan

Samantala, ngayong araw din ang pamunuan ng MMDA, National Action Plan Against COVID-19 at ilang pangunahing ahensiya ng gobyerno ay nakatakdang bubuksan ang command center.

Magsasama-sama ang mga ahensiya ng gobyerno upang pasinayaan ang pagbubukas ng COVID-19 Command Center ng MMDA.

Ang Command Center ay naglalayong maka-develop ng network at maka-streamline ng proseso upang magkaroon ng maayos at mabilis na koordinasyon ang IATF-EID, mga pribado at pampublikong ospital, at temporary treatment and isolation facilities ukol sa triage at referral system para sa apektado ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.