Pasilidad na pagdarausan ng AARM, ininspeksiyon ng commanding general ng PH Army

Pasilidad na pagdarausan ng AARM, ininspeksiyon ng commanding general ng PH Army

ININSPEKSIYON ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido ang nagpapatuloy na konstruksiyon ng pasilidad na gagamitin ng Philippine Army sa napipintong 32nd ASEAN Armies Rifle Meet (AARM) na gaganapin sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Kung maalala ang Philippine Army ang magho-host para sa 2024 edition ng AARM kabilang ang ASEAN Chiefs of Army Multilateral Meeting (ACAMM) at ASEAN Sergeant Majors Annual Meeting (ASMAM) na gaganapin sa kaparehong lugar ngayong darating na Nobyembre 2024.

Highlights sa gagawing AARM 2024 ang 200 shooters mula sa 10 Southeast Asian countries gaya ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Vietnam, at Thailand.

Ang nasabing taunang shooting competition ay magbibigay ng oportunindad para sa ASEAN military personnel na maging propesyonal at mas mapalakas pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble