NANINIWALA si Sen. Imee Marcos na nasa gobyerno lang ang pasimuno ng umano’y destabilization plot laban sa administrasyon ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Aniya, posibleng may ibang pakay ang pasimuno na ito dahil kung titingnan naman ay maayos at walang problema ang UniTeam o ang samahan na binuo para suportahan ang pagtakbo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 elections.
Nagbigay babala na rin ang senadora na dapat mag-ingat ang sinumang gumagawa ng destabilization plot dahil bagamat matagal, mahirap kung magalit na aniya si Pangulong Marcos.
Sinabi na ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at maging si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala silang pinangunahan o pinaplanong pagpapabagsak sa kasalukuyang administrasyon.