Pasko ramdam na ramdam na  sa Quezon City Hall

Pasko ramdam na ramdam na  sa Quezon City Hall

PINANGUNAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng kanyang bise alkalde na si Gian Sotto kasama ang mga konsehal, staff at mga department head at inilawan na ang higanteng Christmas tree sa Quezon City Hall bilang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Kasabay sa pagbubukas ng higanteng Christmas tree may pa-libreng pang street food sa Quezon City Hall para sa mga empleyado at kanilang pamilya na nakisaya sa programa.

Binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pag-asa ng bawat QCitizen at pagbangon ng lungsod mula sa mga hamon ng nakalipas na 2 taon.

Inialay rin niya sa Poong Maykapal ang tagumpay ng lungsod, at ang pagpupunyagi ng mga kawani ng pamahalaan.

Ayon sa alkalde kaya naman ngayong Pasko, “Let’s spread hope, love, and joy sa QC”.

Follow SMNI NEWS in Twitter