SUSPENDIDO pa rin hanggang ngayong araw, Marso 14, 2025, ang pasok ng mga mag-aaral sa ilang lugar sa bansa.
Sa Dagupan City, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
Manaoag, Mangaldan, at Urdaneta City, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
Malasiqui, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa hapon, sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan.
San Jacinto, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa hapon sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan simula March 13 hanggang sa ito ay alisin.
Mamburao, Occidental Mindoro: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
Gerona, Tarlac: Walang face-to-face na klase sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang Grade 12.
Sa anunsiyo naman ng PAGASA, tatlong lugar sa bansa ang aasahang aabot sa ‘danger level’ ang heat index ngayong araw.
Ang mga ito ay ang Dagupan City, Pangasinan, na maaaring aabot sa 44 degrees Celsius ang heat index.
Habang ang Cuyo, Palawan at Cotabato City, Maguindanao ay aasahan ang 42 degrees Celsius na heat index.