Pastor ACQ at KOJC, ginawang panakip-butas ng Marcos Jr. admin

Pastor ACQ at KOJC, ginawang panakip-butas ng Marcos Jr. admin

BINATIKOS ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang ginawang credit grabbing ng administrasyon sa pagsuko ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga awtoridad.

Para kay KOJC legal counsel Atty. Dinah Tolentino, ginawa ito ng administrasyon para maiwasang punahin ng publiko ang labis na puwersang ginamit ng kapulisan.

Gayundin ang inilaang pondo para sa 16 na araw na operasyon sa KOJC.

“Kasi kung hindi nila gagawin ‘yun, tatanungin sila ng taumbayan. So, now they have to divert the whole story.”

“By saying ‘what we did, we were able to get Pastor’. But how can you justify police forces from 9 regions for 16 days, P30M a day or even more than that?”

“So, can you imagine P30M a day times 16, almost P500M, half a billion. And how can you justify P500M for 16 days?” pahayag ni Atty. Dinah Tolentino-Fuentes, KOJC Legal Counsel.

Para naman kay Atty. Israelito Torreon, isa rin sa mga abogado ng KOJC, may bahid ng pamumulitika ang credit grabbing ng administrasyon ni Marcos Jr.

Matatandaan na pilit na sinisiraan ng Marcos administration si Vice President Sara sa takot na muling makabalik ang mga Duterte sa kapangyarihan.

“Maybe he wants to drive home a point that Davao City is one of the best cities in the World, it’s the most peaceful one, yet, this is the hometown of the Dutertes.”

“‘Yun lang po ang tingin ko dito and Pastor ACQ happens to be the best friend of the President so we have to show our might and power…and kailangan tayo bigyan ng show para siguro may maitago na ibang mga bagay. Concentrate lang tayo ‘dun, ‘di na mapag-usapan ang ibang mga bagay,” wika ni Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.

Sinang-ayunan naman ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang sinabi ni Atty. Torreon na kailangang gumawa ng “show” ang administrasyon para may maitago.

Ani Celiz, ginawang panakip butas si Pastor Apollo at mga kaganapan sa KOJC para mawala sa atensiyon ng publiko ang mga problema sa Pilipinas na kagagawan ng gobyerno.

Kabilang aniya rito ang mataas na presyo ng bigas, pagkain, kuryente, at tubig.

Maging ang pagkakaroon ng mababang suweldo ng mga manggagawa at ang napipintong digmaan sa West Philippine Sea (WPS).

Sa matinding effort na mahuli si Pastor Apollo ay kinuwestiyon naman ni Atty. Dinah kung bakit tila sobra pa sa kriminal ang turing ng administrasyon sa butihing pastor kahit na hindi pa siya nahahatulan ng korte.

“Hindi pa po sya convicted po, he has to go to trial. This is a constitutional provision. Under the Bill of Rights, you are presumed innocent until proven guilty, so, this means dapat may trial po.”

“‘Di pa nga nag trial because ‘di pa nag surrender si Pastor at that time. So, until then, he is entitled to this constitutional presumption na hindi siya criminal. He is just accused of a crime. Hindi po siya criminal,” ayon pa kay Atty. Dinah.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble