Pastor ACQ, ‘di nakalimutang magpaabot ng New Year’s message ngayong 2025

Pastor ACQ, ‘di nakalimutang magpaabot ng New Year’s message ngayong 2025

HINDI nakalimutang magpaabot ng kaniyang New Year’s message si senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ang naturang mensahe ay para sa lahat ng mga Pilipino kahit saang panig man ng mundo.

Ayon kay Pastor Apollo, nagpapasalamat siya sa mga pagkakataong ibinigay ng mga Pilipino sa kaniya upang mapakinggan ang kaniyang mga plataporma de gobyerno ngayong tatakbo siya bilang senador sa 2025 midterm elections.

Ibinahagi na rin ng Butihing Pastor, bilang isang environmentalist, philanthropist, humanitarian advocate at nagsusulong ng nation-building, ipinaglalaban niya ang pangangalaga sa kalikasan at maging ang karapatan ng mga katutubo.

Ito pa nga aniya ang dahilan kung bakit binuo niya ang United Indigenous Peoples Heritage of the Philippines (UNIPHIL).

Sa naturang mensahe ay ipinaalala rin ni Pastor Apollo ang naging karanasan ng KOJC sa loob ng 16 na araw ng paglusob ng mga puwersa ng pamahalaan sa Davao City.

Ito na ang naging inspirasyon niya na bagamat walang ambisyon na maging politiko ay nangingibabaw ang kaniyang pangarap na pagbabago sa sistema ng bansa para sa bawat Pilipino.

Kung mananalo bilang senador, ilan din sa tutugunan ni Pastor Apollo ang korapsiyon kung saan isusulong niya ang death penalty laban sa mga kurakot, kawalan ng trabaho, pagpapalago ng turismo, pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan maging ang pangangalaga at rehabilitasyon nga ng kalikasan.

Aniya, kung matutugunan ito, kaya ng Pilipinas na maging first-world country.

Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo na mainam na labanan ang mga tiwali at magnanakaw ng kaban ng bayan.

Panahon na para ang Pilipino ang tunay na magtamasa ng kayamanan at kaunlaran ng bayan.

Ayusin na aniya ang Pilipinas ngayong 2025.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter