Pastor ACQ, ginagamit lang ni Marcos Jr. para pagtakpan ang mga pangunahing problema ng bansa—KOJC Legal Counsel

Pastor ACQ, ginagamit lang ni Marcos Jr. para pagtakpan ang mga pangunahing problema ng bansa—KOJC Legal Counsel

NAGTATAASANG presyo ng mga pangunahing bilihin, nagbabadyang giyera laban sa mga mas malalakas na bansa, dumaraming bilang ng mga Pilipinong kumakalam ang sikmura at ang lantarang kurapsiyon ng mga walang pusong politiko.

Ilan lamang ito sa mga problema na dapat na pagtuunan ng pansin ng kasalukuyang administrasyon.

‘Yun lang dahil imbes na bigyan ng solusyon ay pilit itong iniiwasan at itinatago ng Marcos administration.

Ang masaklap pa rito – ginagamit pang kasangkapan ang mga inosente at walang kalaban-labang mga Pilipino para pagtakpan ang kabulastugan ng pamahalaan.

Isang halimbawa na rito ay ang spiritual leader ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy na naging biktima ng mapang-abusong administrasyon ni Marcos Jr.

Batid ng lahat na walang ibang hangad at ginawa ang butihing pastor kundi ang maging katuwang ng pamahalaan sa paghubog ng bansa tungo sa maunlad at mapayapang Pilipinas.

Pero anong isinukli ni Bongbong Marcos?

Sa halip na bigyan ng nararapat na due process si Pastor Apollo para sa mga gawa-gawang akusasyon laban sa kaniya ay heto’t nagkukumahog ang gobyerno na usigin siya.

Para sa legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon – hindi niya lubos maisip kung bakit ganun na lang kapursigido ang kasalukuyang administrasyon sa kaso ng butihing pastor gayong hindi pa naman ito napapatunayan sa korte.

“Bakit tutukan talaga natin si Pastor, may mga remedies pa nga siya under the law, bakit hindi i-rule muna ‘yung MR niya para makapag-akyat sa Court of Appeals, wala naman siyang kasalanan, i-draw mo ang atensyon ng tao para hindi mapag-usapan na ang bigas ngayon 50-60 pesos na or ‘yung malapit na tayong magkagiyera kasi under the EDCA imbes na 5 sites lang naging 9 na 17 na ngayon other issue confronting us should have been attended to by the administration” ayon kay Atty Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.

Ang nasabing pahayag ni Atty. Torreon ay kaugnay sa P10-M pabuya ng DILG at PNP para sa sinumang magkapagtuturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo.

Kinuwestiyon at binatikos ito ng mga abogado ng KOJC dahil hindi naman pugante at lalong hindi terorista ang nasabing pastor.

“Siguro ginagawa ito para meron tayong sine na makikita araw-araw kasi may SMNI si Pastor, sigurado aangal tayo so ma-draw ang atensiyon dito at makalimutan na ‘yung tumataas na ‘yung ating utang, ‘yung kurapsiyon na grabe na masyado so hindi na mapag-uusapan, ‘yun lang po ang observation ko” ani Atty. Torreon.

Para naman sa dating national intelligence officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz – malinaw na pinagtatakpan lang ni Marcos Jr. ang kapalpakan nito bilang pangulo.

“Sa displacement theory, gusto nila iwasan na hindi pala ang KAPA ang totoong scam sa investment ang real bigtime scam ay ang Maharlika Investment Scam ni Bongbong Marcos na dapat ngayon ay maimbestigahan, klaro ‘yun,” ayon kay Jeffrey ‘Ka-Eric’ Celiz, Former National Intelligence Officer, CPP-NPA-NDF.

Para sa kaniya, hindi na kataka-taka kung bakit kinakaharap ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang labis na paninira sa kaniyang pangalan at paninikil sa kaniyang karapatan.

“Kaya nakakaharap tayo ng problema kay Pastor Apollo Quiboloy na ilegal ang mga ginagawa, nagtatago sa batas and yet ayaw aminin na ilegal ang mga ginagawa because ito ‘yung ‘wag the dog theory’ or sa Physics ‘displacement theory’ para po lituhin ang taong bayan at i-confuse ang kalagayan ng mamamayan at para hindi ma-focusan ang pananagutan sa malubhang pagkawala ng kakayahang mamuno ng Marcos Jr. government,” dagdag ni Celiz.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble