SA panibagong episode sa kanyang programang Powerline nitong Miyerkules, sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy na itinaya na niya ang kanyang buhay para sa pagmamahal sa bayan.
“No’ng pumasok ako sa kausang ito para sa ating bayan, itinaya ko lahat pati buhay ko,” pahayag ni Pastor Apollo.
Ito ang matapang na paninindigan ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa patuloy na paglaban sa komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa kanyang programang Powerline nitong Miyerkules, Enero 18, muling inihayag ni Pastor Apollo na hindi magmamaliw ang kanyang paglaban sa komunistang teroristang grupo.
“Hindi ako magmamaliw diyan kasi alam kong ang CPP-NPA-NDF, isang salot ng bayan ‘yan. Hindi ko kakampihan ‘yan kahit kaunti,” dagdag ni Pastor Apollo.
Binigyang-diin ng butihing Pastor na ang sinomang nagmamahal sa bayan ay handang itaya ang buhay nito upang alisin at tapusin ang mga nakasisira dito. Tulad na lamang ng kanyang pag-aalay ng buhay.
“Lahat ng nakakasira sa bayan natin, alisin natin. Awayin natin, alisin natin, paalisin natin, linisin natin, at iwaksi natin. Yun ang totoong nagmamahal para sa bayan,” ani Pastor Apollo.
“Alam ninyo, ano ang advocacy ko rito? Go for broke ito mga kababayan, para sa pagmamahal sa bayan. Kaya kung minsan ang reputasyon ko nakataya. Hindi lang kung minsan, talagang itinaya ko. Marami akong tinaya rito. Buhay ko, itinaya ko. Dito sa laban na ito, I have everything to lose kung iyong titingnan, I have everything to lose. And this salot has nothing to lose. Nandyan lahat ng asset ko, nakalanglang. Nandiyan ang correspondent, mga reporter, alam kong pumapatay ang mga taong ito. Alam ko yun. Alam kong nanununog ito ng mga asset. Alam kong nang-aambush ito,” dagdag ng butihing Pastor.
Pastor ACQ: basta nasa katotohanan ka, huwag kang matakot
Dagdag pa ni Pastor Apollo, sa pagharap sa kalaban ng bayan, hindi dapat matakot basta nasa panig ng katotohanan gaano man ito katagal maisiwalat.
Kaugnay rito, ibinahagi ni Pastor Apollo ang kanyang naging karanasan sa kamay ng komunistang teroristang grupong nanlinlang din sa Diarog clan, kung saan inakusahan noon ang butihing Pastor na umano’y nangangamkam ng lupa at nagpapatay kay Datu Diarog. Ngunit matapos nga ang halos dalawang dekada, mismong ang anak na si Datu Diolito Diarog ay humingi na ng tawad kay Pastor Apollo.
“Tulad na lang nitong Diarog na sa akin inakusa ang pagkamatay ni Datu Diarog. 22 years kong tiniis ‘yan. Hindi ba humingi ng patawad si Datu Diolito Diarog na sa kanyang pinagsasabi noon sa akin, panlalait, lahat-lahat. Ngayon, naliwanagan. Mahirap kung minsan hanapin ang katotohanan at matagal lumitaw ang katotohanan. Pero lilitaw at lilitaw rin ang katotohanan. Marami ang nagsasabi, bakit ko raw ginagawa ‘yon? Dahil sa Pilipinas kong mahal,” tugon nito.
Sa ngayon, patuloy si Pastor Apollo sa pagsuporta sa pamahalaan upang tapusin na ang insurhensya sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa para sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino maging ang mga panlipunang proteksyon tulad na lang ng kanyang mga humanitarian organizations na tumutulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan.