Pastor ACQ: Hindi pa sapat ang 100 araw upang husgahan ang administrasyon

Pastor ACQ: Hindi pa sapat ang 100 araw upang husgahan ang administrasyon

IBINAHAGI ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C Quiboloy  ang kaniyang inisyal na assessment gayong nalalapit na ang ika-100 araw ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“So sa 100 days nakita ko na, hindi pa natin pwedeng ma-judge ang isang administrasyon within that 100 days, kundi kung ano ang nangyayari. So, anong nangyayari? Hindi naman siguro sasabihin mong Marites, pero through the grapevine, marami tayong naririnig na hindi tama eh na hindi dapat na madamay ang pangalan ng ating Pangulo,” pahayag ni Pastor Apollo.

Sa kaniyang programang Spotlight ngayong Huwebes, sinagot ng butihing Pastor ang tanong na ipinadala ni Political Analyst, Professor Anna Malindog-Uy, patungkol sa kaniyang “honest to goodness” initial assessment gayong nalalapit na ang ika-100 araw ng pamumuno ni PBBM.

Unang binanggit ni Pastor ang pagpunta ni PBBM sa Amerika para sa UN General Assembly upang magbigay talumpati sa harapan ng international community, at ang pakikipagdayalogo niya sa mga business leaders sa New York Stock Exchange.

Sinabi ng butihing Pastor na sang-ayon din siya sa mga pananaw ni Prof. Malindog-Uy na maraming interpretasyon sa talumpati ni Pangulong Marcos partikular na sa sinabi ng Presidente na hindi niya nakikita ang hinaharap ng Pilipinas kung wala ang Estados Unidos bilang ka-partner o kaalyado.

“Iyong speech ng ating Pangulo, maganda sa UN. Pero merong isa doon na sabi niya na, ‘I cannot see the future without the United States as our partner.’ So, it is subject to many interpretations. Ang interpretasyon ko doon is about economics na partner talaga natin ang Amerika diyan sa economics. Pero sa pagtatayo as a sovereign, eh hindi tayo pwedeng hindi independent. Independent talaga ang foreign policy natin,” ayon sa butihing Pastor.

Sinabi rin ni Pastor Apollo na hindi maaaring maging tuta ang Pilipinas ninuman.

 “Hindi tayo pwedeng maging tuta nino man; tuta ng Amerika, tuta ng Tsina, tuta nino man, we have to stand tulad ng ginawa ng Pangulong Duterte. And I know that President Bongbong is very intelligent, pagdating sa ating soberenya tatayo siya, pagdating sa ekonomiya ‘friends to all, enemies to none.’ We need all the investments to come, ‘Come, all of you.’ Iyan. Kaya, nung nagsalita siya roon, nilanahan niya ang mga Amerikano, nilangisan kaunti para siguro dumating ‘yung investments. Pero ang hinihintay ko roon, baka sa soberenya naku mananagot ka. ‘Pag sinabi mong sa soberenya, ‘Hindi kami pwedeng wala kung wala kayo,’ ay hindi pwede iyon. Nakakabit na tayo doon, hindi na tayo independent, hindi na tayo sovereign, iyon ang binabantayan natin. Iyon din ang binabantayan ni Prof. Anna Malindog-Uy,” ayon pa ni Pastor Apollo.

Pagdating naman sa mga tinuturing na “hardcore issues” tulad ng peace and order, pagsugpo sa iligal na droga, insurhensiya, at kurapsyon, ito ang assessment ni Pastor Apollo.

“Sa mga hardcore issues naman about peace and order, drugs, fight against local insurgency, and corruption, hindi pa talaga maliwanag ang nakikita ko sa bandang riyan pero the security forces are doing their job. And I have yet to hear from our president. Kasi, ‘pag ang presidente nagsalita matimbang iyan, parang policy iyan eh na susundin ng tao eh. Iyon ang hinihintay natin,” dagdag ng butihing Pastor.

Muli namang binanggit ng butihing Pastor ang desisyon ni National Security Advisor Clarita Carlos patungkol sa pag-institutionalize ng National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaan na noon ay nais lamang gawing council ni Sec. Carlos ang NTF-ELCAC, ngunit ngayon ay kumbinsido na siya na mai-institutionalize ito upang mai-pagpatuloy ang tagumpay ng gobyerno laban sa makakaliwang grupo.

“Maganda iyong nangyari sa kanilang talakayan sa NCIP at naliwanagan siya about NTF-ELCAC. Iyon, isang napakalaking improvement. Kaya Prof. Clarita Carlos, hangang-hanga ako sa’yo noon pa sa ating mga presidential debates, lalo mo akong pinahanga ngayon na ikaw pala’y open-minded na ‘pag naintindihan mo ang isang bagay kaagad-agad nagbabago ang isip mo at tinatanggap mo kung ano’ng tama. You have to be there. Iyon ang nakikita ko,” ayon kay Pastor Apollo.

Una nang pinasalamatan ng butihing Pastor si Sec. Carlos sa kaniyang statement patungkol sa NTF-ELCAC sa kanyang programang Powerline noong Miyerkules, at hinimok ang mga mambabatas na apruhaban ang pag-institutionalize nito upang makakuha ito ng mas malaking pondo para maipagpatuloy ang programa laban sa insurhensiya.

Pinatutsadahan naman ni Pastor Apollo ang mga vloggers na nag-aakusa na siya’y kontra umano sa Pangulo, at sinabing wala siyang ibang poprotektahan kundi si Pangulong Bongbong Marcos at Bise Presidente Inday Sara Duterte lamang dahil sila ang ibinoto ng mga Pilipino at hindi ang mga nakapalibot sa kanila na nagnanais na magkaroon ng parehas na kapangyarihan o mas makapangyarihan pa sa kasalukuyang Pangulo.

“Ito namang mga vlogger na sipsip, ini-slant naman nila ang sinasabi ko na kontra daw ako sa Pangulo. Sasabihin ko sa inyo, kung meron akong  proprotektahan dito uulit-ulitin ko, walang iba kundi si President Bongbong Marcos at si Vice President Sara Duterte. Why? Sila ang ibinoto natin. Hindi ang nakapalibot sa kanya ang binoto ko eh. Sino man kayong nakapalibot sa kanya, bahala kayo sa buhay n’yo ‘di ko kayo binoto,” ayon pa ni Pastor Apollo.

“Pag-analyze ko, my God sabi ko, this guy is not stepping down he is stepping up. Ang daming powers eh. Lahat ng power ng presidente nandoon na. Kung pinirmahan mo ‘yung AO at SO, wala na tayo, rebolusyon ang mangyayari. Naku! Ako mismo magrerebolusyon ako. Ako mismo magsasabi ako, ‘Pangulo, kayo pong ibinoto namin ano pong nangyayari sa inyo? Ano bang kapangyarihan ng taong nakatabi sa inyo na tinali niya ang ilong n’yo. Ano bang meron siya? Kami ang dapat mong kasiyahan, 31 million kami at ang buong 100 million Filipinos na hindi bumoto sa inyo; kayo ang kinikilala naming presidente ngayon.’ Ganun ang pananaw ko doon,” dagdag ng butihing Pastor.

Follow SMNI News on Twitter