Pastor ACQ, hiniling na maging independent candidate sa 2025 elections

Pastor ACQ, hiniling na maging independent candidate sa 2025 elections

NAGDESISYON ang senatorial aspirant na si KOJC leader Pastor Apollo C. Quiboloy na tumakbo na lamang bilang isang independent candidate para sa darating na 2025 midterm elections.

Sa pamamagitan ni Atty. Mark Tolentino, nagsumite siya ng sulat para ipawalang-bisa ng Commission on Elections (COMELEC) ang kaniyang isinumiteng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) na ibinigay ng Workers and Peasants Party (WPP) para sa kaniyang pagtakbo.

Bago ito, ay iginiit ng isang Labor Lawyer na si Sonny Matula na hindi umano awtorisado ang tinanggap na CONA ni Pastor Apollo, bagay na itinanggi naman ni Atty. Tolentino na nanindigan na bilang Presidente ng WPP ay lehitimo ang tinanggap na nominasyon ni Pastor Apollo mula sa partido.

Gusto ngayon ng butihing Pastor na maging mapayapa ang kaniyang pagtakbo sa halalan.

“Ni-revoke ni Pastor ng acceptance niyang certificate of nomination ng WPP.  Ang nag-issue ng certification ay tayo po bilang presidente ng Workers and Peasants Party.”

“Kaya po ni-revoke niya ang kaniyang acceptance,” pahayag ni Atty. Mark Tolentino.

Ayon kay Tolentino, mananatili pa rin ang suporta ng WPP para kay Pastor Apollo at sa mga adbokasiya nito.

Marami rin aniya ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Pastor Apollo, mula sa iba’t ibang partido.

“Pastor Quiboloy will be running as independent candidate.”

“With or without a party, Pastor Quiboloy can run the campaign,” saad ni Tolentino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble