NAIS ng tumatakbong senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na gawing mas madali at mabilis ang serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pangangailangan ng bawat Pilipino.
Isang paraan upang makamit ito ay sa pamamagitan ng pag-minimize ng Red Tape.
“Sabi niya dapat ‘yung kind of governance as modernized gov’t, dapat service oriented always. When you think of giving service, whatever agencies you are in, how will you make it so comfortable convenient lalo na sa kapwa natin Pilipino,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa ngayon, ang pangunahing batas sa Pilipinas na tumutugon sa problema ng Red Tape ay ang Republic Act No. 11032, o mas kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Ang batas na ito ay nag-amiyenda sa Anti-Red Tape Act upang higit pang mapabuti ang mga serbisyo sa pamahalaan.
Ani Pastor Apollo, nananatiling komplikado at mabagal ang pagkuha ng serbisyo at proseso ng transaksiyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Kaya naman, naisip ng Butihing Pastor na bumuo ng isang sistema na tinatawag na Super Ministry System.
Sa ilalim ng sistemang ito, gagawing conglomerate o pagsasamahin ang iba’t ibang sangay ng gobyerno na may katulad na serbisyo, tulad ng mga ahensiya sa healthcare, social services, transportation, housing, at iba pa.
”Ang Super Ministry System, maging conglomerate na ang different agencies but with similar or connected ‘yung kanilang ginagawa like for example health sector, andun na si DOH, sa conglomerate system na ito or super ministry system. Si DOH, FDA, anjan na si PhilHealth, anjan na si Bureau of quarantine.”
“Kung na-conglomerate na ‘yung mga co-related or mga connected na mga agencies, mas mabilis na. Mabawasan ung Red Tape or ‘yung bureaucracy,” paliwanag ni Atty. Laurente.
Sa pamamagitan ng Super Ministry System, layunin ni Pastor Apollo na gawing mas maginhawa at mabilis ang serbisyo sa gobyerno, lalong-lalo na para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.