SA hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang tumanggap ng parangal ang Sonshine Media Network International at si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Biyernes ng gabi sa Okada Manila ay unang tinawag para bigyan ng pagkilala si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Iginawad ng Asia Luminare Awards kay Pastor Apollo, ng The Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, ang Outstanding Advocator for Environment and Humanity.
Ito ay nasaksihan ng daan-daang katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Para sa hindi nakakaalam o nakakakilala kay Pastor Apollo, si Pastor ay ilang dekada nang aktibo na tumutulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Kabilang dito ang mga nasalanta ng bagyo, nalindol, at napandemya na tumanggap ng sangkatutak o balde-baldeng food packs at galon-galon na tubig.
Pinangunhan din ni Pastor Apollo ang reforestation at rehabilitation projects sa iba’t ibang nakakalbong kagubatan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sino ba naman ang makakalimot sa 3 milyong kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo na pinakain, dinamitan, at pinaaral ng Children’s Joy Foundation, kung saan si Pastor Apollo ang pinakamalaking benefactor.
Si Pastor ay kinikilala rin bilang kampeon ng mga indigenous peoples at matinding tagapag-usig sa mga elemento ng insurhensiya tulad ng mga NPA.
Dahil sa napakahabang listahan ng kabutihang ginagawa ni Pastor Apollo, ay nagpaabot ng kanilang mensahe ng paghanga kay Pastor Apollo.
SMNI, kinilala bilang most reliable news source in social media
Sa parehong gabi ng parangal ay tumanggap din ng pagkilala ang SMNI.
Kinilala ng Asia Luminare Awards ang network bilang Most Reliable News Source in Social Media.
Ang trophy at plaque ay tinanggap ni Angel Pastor, news anchor ng SMNI.
Ang presidente ng Asia Luminare awards ay nagpaabot din ng kanilang mensahe sa SMNI.