Pastor ACQ, kinuwestyon ang ACT Teachers kung saan napupunta ang kinokolektang pera mula sa mga guro

Pastor ACQ, kinuwestyon ang ACT Teachers kung saan napupunta ang kinokolektang pera mula sa mga guro

INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy na dapat liwanagin ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro kung saan napupunta ang perang kinokolekta nito mula sa mga pampublikong guro sa buong bansa.

Ito’y kasunod ng pahayag sa mga anchor ng programang Laban Kasama ang Bayan na sina Dr. Lorraine Badoy at dating kadre na si Jeffrey Ka Eric Celiz.

Anila plano nilang kasuhan si Castro dahil sa umano’y pangongotong sa mga guro batay na rin sa mga reklamong natatanggap sa mga guro.

Sa kanyang programang Powerline nitong Miyerkules, Enero 18, sinabi ni Pastor Apollo na dapat ipaliwanag ni Castro sa taumbayan kung saan dinadala ang tigbe-bente pesos na kinokolekta nito sa mga guro.

“You can approve that in the court when these two will sue you. Doon mo na patotohanan yon France Castro. Na kung saan mo dinadala, fake nga ba yung sinasabi nila. Lahat ng mga opinyon na ‘yan, ‘yung sayo maaring opinyon mo lang din. Sa kanila maaring opinyon lang din kung totoo ba o hindi. Kung kayo ay magkikita na sa korte, doon mo na ‘yan mapatotohanan kung ikaw ba talaga ay linked sa CPP-NPA-NDF o hindi ayon sa iyong sinasabi,” pahayag ni Pastor Apollo.

Una na ngang inihayag ni Castro na ang mga bayad na hinihingi sa mga teachers ay bayad sa unyon at mayroong makukuhang benepisyo rito ang isang member-teacher.

Ayon naman sa butihing Pastor, dapat ay may accounting ang lahat ng ito para malaman kung saan napupunta ang koleksyon sa hanay ng mga guro

“At ang mahalaga rito saan ninyo dinadala ang mga milyun-milyong perang kinokolekta ninyo sa mga guro sa buong Pilipinas. Kailangan may accounting yan para malaman natin ang totoo,” ayon pa sa butihing Pastor.

Payo rin ni Pastor Apollo, kinakailangang kumuha ng financial forensic expert ni Castro dahil mabigat ang kasong kakaharapin nito sakaling magsampa na sina Dr. Badoy at Ka Eric ng kaso laban kay Castro.

 “‘Yun ang kasong isasampa daw ni Ka Eric and Dr. Marie Badoy kay France Castro kung saan nya dinadala ang milyun-milyong perang nako-collect nila sa mga guro ng buong Pilipinas. Mabigat to ah, kailangan may accounting ka diyan, kumuha ka ng financial forensic expert mo diyan para talagang makita natin kung saan pumupunta lahat iyan,” dagdag ni Pastor Apollo.

Dinepensahan naman ni Pastor Apollo ang pahayag ng Laban Kasama ang Bayan anchors, at sinabing hindi naman magsasalita ang mga ito kung walang basehan.

Samantala, matatandaang isiniwalat na ni Ka Eric, na miyembro si Castro ng Katipunan ng Mga Gurong Makabayan (KAGUMA).

Ang KAGUMA ay isang organisasyong nakadugtong sa teroristang grupong New People’s Army.

Follow SMNI NEWS in Twitter