WALANG binigay na pera si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pastor Apollo C. Quiboloy o sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at vice versa.
Ang pagkakaibigan ni Pastor Apollo at ng dating pangulo ay personal lamang.
Ito ang binigyang-diin ng religious group sa gitna ng haka-haka na posibleng yumaman ang KOJC dahil sa pagbibigay ni FPRRD ng pera dito.
Ang pagiging KOJC Property Administrator rin ni FPRRD ngayon habang nireresolba ni Pastor Apollo ang lahat ng legal problems nito ay voluntary lang at walang kasamang bayad.
Sa pagiging Property Administrator ay layunin naman ni FPRRD ang matulungang tugunan ang butihing Pastor sa legal concerns nito.
Sa huli, nilinaw ng KOJC na ang tagumpay ng kongregasyon ay nagmumula sa Makapangyarihang Ama sa langit at bunga na rin ng pagkakaisa ng lahat ng kasapi nito.