Pastor ACQ, may babala kasunod ng pagsiklab ng wildfires sa iba’t ibang panig ng mundo

Pastor ACQ, may babala kasunod ng pagsiklab ng wildfires sa iba’t ibang panig ng mundo

‘JUDGMENT call’ ito ang pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa mga katakot-takot na mga wildfires na kasalukuyang nagaganap sa buong sanlibutan.

“Canada is facing their worst wildfire season in history as over 1,000 fires burn, damaging more than 15 million hectares of land, and leaving no province nor territory in the country spared. Ang Hawaii naman, recently, also had a devastating fire in Maui especially in the Lahaina City noh na kung saan napakatindi ng init na pati ‘yung bakal natutunaw,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Sa pinakahuling programa ng ‘Give Us This Day’ nitong Miyerkules, Agosto 30, inihayag ni Pastor Apollo na isang judgment call ang kasalukuyang ang mga katakot-takot na mga wildfire sa iba’t ibang bansa, kabilang na sa Canada, Estados Unidos, Greece, Spain, Italy, Algeria, Tunisia, at Turkiye.

Nag-ugat ang pahayag ng butihing Pastor matapos tanungin sa kaniyang pananaw bilang isang espirituwal na lider sa sunud-sunod na trahedya sa mga nasabing bansa dulot ng wildfires.

Dito, ibinahagi ni Pastor Apollo na posibleng ito na ang katuparan ng dalawang pangitain na kaniyang natanggap noong kabataan niya.

“So, talagang matutupad na siguro ‘yung sinabi ng Banal na Aklat na hindi tubig ang gagamitin ng Ama para i-judge ang sanlibutan kundi apoy na. Ako’y may mga kapahayagan diyan, hindi ko lang masasabi sa inyo ang bansa kung saan nakita ko ito’y nasusunog, at unang pahayag na iyon. Siguro mangyayari ‘yan at a later moment.

“This is a judgment call kasi ‘yung kapahayagan ko noong ako’y tinawag ng Ama, nasa Parang pa ako, mga, I was 17 years old siguro – 2nd year high school. ‘Yung dalawang dream kong pinakita niya, na nagtatakbuhan ang tao, lumulundag. Pumutok ‘yung mga ano, nagliliyab. Lumundag sila sa dagat, eh nangyari sa Maui ‘yun eh. Tapos, in a larger scale, sa buong sanlibutan naman ang second dream ko na pati langit parang banig na ginaganun but it was on fire. Kahit lumundag ka pa sa dagat, hahabulin ka ng sunog,” dagdag ni Pastor Apollo.

Samantala, kamakailan ay inanunsiyo ng European Union (EU) na ang kasalukuyang wildfires ngayon sa Greece ay ang pinakamalaki na naitala sa buong bloc. Dahil sa laki, humingi na ng tulong ang Greece mula sa ibang bansa upang ma-contain ang mga sunog at nagpadala naman ang EU ng 11 sasakyang panghimpapawid.

Mula nang nagsimula ang sunog sa Greece noong Agosto 19, hindi bababa sa 20 ang naitala nang namatay mula sa wildfires sa nasabing bansa.

Kaugnay nito, bilang Hinirang na Anak ng Diyos, sinabi ni Pastor Apollo na kung may Goshen ang Ehipto noong unang panahon, mayroon ding isang ligtas na lugar na inihanda ang Diyos sa panahon ngayon.

“So pasalamat tayo meron tayong Bagong Jerusalem tulad ng Goshen na kung saan magiging safe ang tao. Kaya when the world is under judgment, the Father always sets aside a place where all his people can go for safety. And if Egypt has a Goshen, then the Father in the last days has a New Jerusalem,” wika pa ni Pastor Apollo.

Kilala si Pastor Apollo bilang isang espirituwal na lider, mayroong prophetic ministry kung saan lahat ng kaniyang sinasabi ay ganap na nangyayari.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter