Pastor ACQ may matibay na paninindigan na isakatuparan ang mga plataporma—Banateros

Pastor ACQ may matibay na paninindigan na isakatuparan ang mga plataporma—Banateros

NAGTIPON-TIPON ang mga supporter ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement upang makiisa sa isinagawang proclamation rally para sa kandidatura ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Bukod sa KOJC members ay dumalo rin sa proclamation rally ang iba’t ibang grupo na buo ang suporta para kay Pastor Apollo.

Dinaluhan din ang event ng ilang mga kumakandidato sa Mayo 2025 midterm elections, ilang personalidad, mga political vloggers at mga Banateros.

Sa isang talumpati naman ni Boss Dada na isa sa Banateros at SMNI anchor, inihayag nito na kailangan ng bayan ang isang Pastor Quiboloy sa Senado para wakasan ang korapsiyon.

Dagdag ni Boss Dada, isang napakagaling na lider si Pastor Apollo na talagang kahanga-hanga na aniya sa kabila ng mga kritisismo siya’y nakikinig at humaharap sa mga ito.

Pahayag naman ni Banat By, isa sa mga Banateros at SMNI anchor, bago pa man nagpahayag si Pastor na tumakbo sa pagka-senador, ay marami na siyang nagawa sa bansa.

Isinalaysay pa ni Banat By, na ang Butihing Pastor ay hindi lang matalino, kundi napakamatulungin pa.

Saad naman ni Coach Oli, na isa ring SMNI anchor, napakalaki ng magagawa ni Pastor Apollo hindi lang sa taumbayan, kundi magiging magandang halimbawa rin siya sa mga politiko.

Naniniwala naman si Master Judea na sa kakayahan, talino at abilidad ni Pastor Apollo, maiimpluwensiyahan niya ang mga politiko base sa gusto ng taumbayan.

At sa ating pakikipanayam naman sa isa rin sa SMNI anchor na si Jay Guevarra, sinabi nitong ‘yung mga hindi kayang gawin ng mga politiko ay kayang gawin ni Pastor at hihigitan pa niya.

Dagdag pa ng mga Banateros, si Pastor Apollo ay may matibay na paninindigan na isakatuparan ang mga plataporma.

Inihayag naman ng Bisdak Pilipinas, isang political blogger, walang kuwestiyon kung kaya ni Pastor Apollo na pagandahin ang Pilipinas.

Kabilang sa mga plataporma na isusulong ni Pastor Apollo ang iba’t ibang hakbang laban sa korapsiyon tulad ng pagbuo ng truth commission, digitalisasyon ng mga transaksiyon sa gobyerno, ang pagwawakas ng sistema ng liquidation by certification at pagbalik sa death penalty.

Kasama ring itutulak ni Pastor Apollo ang pagkakaroon ng sustainable at maraming trabaho sa pamamagitan ng turismo, pagkakaroon ng National Super Highway System, ang kaniyang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad maging ang pagsugpo sa kahirapan.

Itataguyod rin ni Pastor Apollo ang pagpapahusay sa solid waste management at nais niya ng mas mahigpit na parusa sa iresponsableng pagtatapon ng basura.

Plano rin ng Butihing Pastor ang paigtingin ang paggamit ng renewable energy bilang tugon sa climate change sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble