Pastor ACQ, may suhestiyon para sa matagal nang umiiral na mga problema sa Bilibid

Pastor ACQ, may suhestiyon para sa matagal nang umiiral na mga problema sa Bilibid

NAGBIGAY ng kaniyang suhestiyon si Pastor Apollo C. Quiboloy kaugnay sa samut-saring problema sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay matapos naitanong kay Pastor Apollo sa kaniyang programang Give Us This Day sa SMNI kung anong reporma ang kaniyang naiisip para sa Maximum Security Compound na kailan lang ay natakasan ng isang bilanggo.

Naniniwala si Pastor Apollo na sa tagal na sa serbisyo ng NBP bilang kulungan ay kailangan na itong mailipat sa iba at mas malawak na lugar.

Paliwanag niya na sa tagal na ng Bilibid ay marami nang maanomalyang sistema ang umiiral sa loob mismo ng Maximum Security – sistema na kailanman ay hindi na mababago kahit sino pa man ang ilagay para mamuno.

“’Yan marami na ang sistema na meron jan na hindi mo pwedeng baguhin na ganun-ganun na lang…. Pero baguhin, ibahin ang location,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Matatandaan na kamakailan lang ay nakatakas sa Bilibid ang person deprived of liberty na si Michael Catarroja ngunit muling nadakip.

Pero magkaiba ang kaniyang salaysay o kuwento sa polisya at sa imbestigasyon sa Senado kung paano siya nakatakas.

Matapos naman na i-live-demo ni Catarroja ang kaniyang umano’y paraan ng pagtakas ay di naman makapaniwala rito ang mga senador na nag-iimbestiga dahil sa mala-Hollywood na eksena.

“May posibilidad na hindi ganun ang nangyari. May posibildad na hindi siya nandun because may kalayuan ang pinagmulan hanggang sa C6 at papaano mo malalaman na nasa C6 ka na eh nakabaluktot ka lang dun? Di ba? magkakamukha lang ‘yung kalye,” ayon kay Sen. Francis Tolentino, Chair, Committee on Justice and Human Rights.

“Kaya po ‘nung nagsagawa ng hearing… Nakita sya sa ilalim ng truck,” saad ni Sen. Robin Padilla.

Kaugnay dito ay sinabi rin ni Pastor Apollo na posible na ang puno’t dulo ng paulit-ulit at samu’t saring problema sa Bilibid ay kurapsiyon.

Matatandaan na bukod sa may tumakas ay problema na rin sa Bilibid ang tinatawag na mga kubol, mga nakukumpiskang bladed weapons at baril.

Usap-sapan din ang pagtitinda ng overpriced construction materials sa mga inmate at iba pa.

“Baka simple lang naman talaga ang solusyun? Ginagawa lang complicated… Ang problema ng isang ahensya hindi maso-solve ‘yan,” dagdag ni Pastor Apollo.

Ayon sa history ang NBP ay naitayo noong Hunyo 25 taong 1865.

Follow SMNI NEWS on Twitter