NAGBIGAY ng mensahe si Pastor Apollo C. Quiboloy na walang takot sa paninindigan para sa bayan sa ika-5 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Ayon kay Pastor Apollo, layunin ng isinasagawang rally ay dahil sa isang bagay na ating hinihiling sa Dakilang Ama na mabigyan ng kapayapaan ang bansa ngunit hindi aniya ito makakamtan kung walang hustisya.
Ang kinakaharap aniya ng butihing Pastor ay hindi lamang nakapalibot sa kaniya kundi ng buong Pilipino.
Aniya bugbog sarado na ito sa mga akusasyon na binabato sa kaniya at sa SMNI at kabilang nga dito ang mga hearing na ginagawa sa Senado at Kongreso laban sa kaniya.
Kaya nagkakaroon ng diskontento dahil sa kawalan ng katarungan.
Panggigigpit ang sinusukli sa SMNI sa kabila ng tulong na ibinigay para sa nation-building
Nagsimula aniya ang panggigipit na ito sa programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan na naglalantad sa CPP-NPA-NDF.
Nag-ugat aniya sa isang pagtatanong lamang ni Ka Eric Celiz na isa sa host ng programa kaugnay sa travel expense ng House Speaker.
Ngunit ang pinakamahalaga aniya ay ang programa ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na Gikan sa Masa Para sa Masa nang sinabi ni FPRRD na buksan ang libro ng Kongreso kung saan pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez.
At ang panggigipit kay Vice President Sara Duterte.
Ngunit sinabi nito na ang lahat ng panggigipit na ito ay upang pagtakpan lamang ang totoong isyu ng bansa kaugnay sa People’s Initiative (PI), Certification by liquidation with receipts, Charter Change (Cha-Cha), Term Extention at iba pa.
Dahil dito, nananawagan si Pastor Apollo ng pagkakaisa sa sambayanang Pilipino na huwag magpalinlang sa PI at dapat nating protekskiyunan ang konstitusyon ng bansa.
Diin pa ng butihing Pastor na hindi nito hinihiling ang kaguluhan o magkaroon ng hidwaan dahil tanging hangad lang naman nito para sa lahat ay magkaroon ng matinong pamumuno, mapagmahal na namumuno sa mga mamamayan, hindi nanggigipit at hindi puro politika.
Pastor ACQ: Pangungunahan ko ang bayan na ito upang magkaroon tayo ng matinong pamamahala
Hinihikayat ng butihing Pastor ang sambayanang Pilipino na ipagpatuloy na ipaglaban ang kalayaan.
Pangungunahan aniya nito ang bansa sa pagkakaroon ng matinong pamamahala.
Ngayon na aniya ang pasimula ng pagtugon ng Panginoon sa mga hinaing ng mamamayang Pilipino.
Aniya kasama natin ang Diyos sa laban na ito.
Sinong aalisin ng Ama? Ang mga namumunong nanggigipit sa mga mamamayan
Mariing sinabi ni Pastor Apollo na ang makabagong paraon ay ang nanggigipit na gobyerno ngayon, sila ang dapat alisin sa kanilang pamumuno.
Dapat na ibigay ang kalayaan sa ating bansa na naghihikahos at naghihikahos na magkaroon ng mabuting lider kung saan bibigyan tayo aniya ng katugunan ng Dakilang Panginoon.
“Ito na ang pasimula ng ating tunay na kalayaan at karapatan na ibabalik ng Makapangyarihang Ama. Huwag tayong huminto,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Hinihiling lamang natin ang matinong pamumuno, matulunging pamumuno. Kabaliktaran, dahil ang kanilang tinutulungan ay ang kanilang kaalyado at kanilang sarili,” aniya pa.
Sa huli ay sinabi ni Pastor Apollo na dapat nating ipagtanggol ang ating kalayaan na ngayon ay sinisikil ng administrasyon ni Marcos Jr.