Pastor ACQ, nagbigay ng sentimyento hinggil sa pagbaba ng Pilipinas sa Global Corruption Index 2022

Pastor ACQ, nagbigay ng sentimyento hinggil sa pagbaba ng Pilipinas sa Global Corruption Index 2022

NAKABABAHALA ang ranking ng Pilipinas na sa 196 na mga bansa ay bahagyang bumagsak sa ika-105 na pwesto mula sa ika-102 noong nakaraang taon.

Ayon kay Pastor Apollo na lalong mas dapat ikabahala ngayong taon ang ranking ng bansa at mapaigting ang kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon.

Sa datos na inilabas ng Global Risk Profile, isa sa naging dahilan ng pagbaba ng ranking ng Pilipinas ay dahil sa pandemya na nagdulot ng pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan ngunit nagbigay-daan naman sa korupsyon at panunuhol ng ilan sa mga opisyal sa gobyerno.

Kaya naman sinabi ng butihing Pastor na bagamat hindi tuluyang nawawala ang korapsyon ay marami pa ring mga mabubuting pinuno na kayang labanan ang ganitong problema sa pamahalaan, tulad ng ginawa ng administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang kailangan ipagpatuloy na gawin ng pamahalaan.

 

Follow SMNI News on Twitter