Pastor ACQ, nagpaabot ng panibagong mensahe para sa mga miyembro at misyonaryo ng KOJC

Pastor ACQ, nagpaabot ng panibagong mensahe para sa mga miyembro at misyonaryo ng KOJC

NAGPAABOT ng panibagong mensahe para sa mga miyembro at misyonaryo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ay kasunod ng pagharap ng butihing pastor sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Pastor Apollo, ang naging pagdinig ay bahagi ng ‘persecution’ na ginagawa sa kaniya at sa KOJC maging sa politika at pagkakaibigan nila ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kabila ng kung anu-anong akusasyon na ibinabato sa kaniya, si Pastor Apollo ay nagpahayag ng lakas ng loob at hinihikayat ang mga miyembro ng KOJC na maging matatag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok ng buong kongregasyon.

Ayon kay Pastor Apollo, dahil sa mga panggigipit na nangyari noong 16-day siege, nakita ng lahat kung gaano kalakas ang KOJC bilang patunay na hindi kayang linlangin ng sinuman ang mga misyonaryo ng kongregasyon.

Patuloy namang binigyang diin ng butihing pastor na ang nangyayari ngayon ay isang umaatikabong laban ng kabutihan at kasamaan kaya hinihikayat nito ang lahat na patuloy na idulog sa Amang Makapangyarihan ang kinakaharap na laban ng buong KOJC, maging ni Vice President Sara Duterte at Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Pastor Apollo, masaya rin siya sa lahat ng liham na natanggap mula sa mga miyembro at misyonaryo ng KOJC at mas naging masigasig dahil sa paninindigan ng mga ito.

Sa huli, hinimok ni Pastor Apollo ang lahat na maging matatag lamang at nangakong matatapos din ang lahat ng kapagsubukan na kinakaharap ng buong kongregasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble