Pastor ACQ, nararapat na bigyan ng patas na laban sa tamang korte—VP Sara Duterte

Pastor ACQ, nararapat na bigyan ng patas na laban sa tamang korte—VP Sara Duterte

SA ika-anim na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally, nakiisa si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan na pagpapadala ng isang video message bilang pagsuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa SMNI.

Sinabi ni Vice President Duterte na siya ay nakikiisa sa panawagan na pairalin ang batas at katarungan sa hinaharap na isyu ni Pastor Quiboloy at ng SMNI.

“Sa mga ginagawa na pagdinig ay tila pinatawan na ng guilty verdict si Pastor Quiboloy kahit nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo na nagkukubli ng kanilang mga katauhan at hindi mapatunayan ang kredibilidad. Marami sa atin ang naniniwala na ang dinadaranas ngayon ni Pastor Quiboloy ay isang pandarahas at hindi patas,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Bukod sa hearing na walang patutunguhan aniya ay kabilang din dito ang indefinite suspension ng broadcasting network na SMNI na isang isyu ng media freedom.

“Hindi biro ang mga pangyayari at mga paratang na ganito. Nararapat lang na mabigyan ng patas na laban at sa tamang korte,” dagdag ni VP Duterte.

Ibinahagi namin ni VP Duterte ang mga salita ng Ama sa Mateo 5:11-12 na magiging gabay aniya patungo sa kaginhawaan at magbibigay ng tibay na loob sa gitna ng mga hinaharap na mga pagsubok, pagtitiis, at pag-uusig ngayon.

“Ika nga sa Mateo 5:11 -12, “Pinagpala ang mga nilalait at mga inuusig ng mga tao at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan o pawang kasinungalingan ng dahil sa akin. Magsaya kayo at maggalak pagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inuusig din ang mga propetang nauna sa inyo,” aniya.

Sa huli hinimok niya ang taumbayan na laging manalangin para sa hutisya at katotohanan.

“Lagi po tayong manalangin para sa hustisya at katotohanan. Justice and truth cannot be achieved in trial by publicity but by a day in court,” ayon kay VP Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble