Pastor ACQ, pabor sa pahayag ni Sen. Francis Tolentino vs Manila Judge na nagbasura ng kaso laban sa CPP-NPA   

Pastor ACQ, pabor sa pahayag ni Sen. Francis Tolentino vs Manila Judge na nagbasura ng kaso laban sa CPP-NPA   

SANG-ayon si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagbatikos ni Senador Francis Tolentino kay Manila Judge Marlo Malagar sa pagbasura nito sa inihaing proscription case ng Department of Justice (DOJ) na ideklarang terorista ang Communist Party of the Philippines -New Peoples’ Army (CPP-NPA) sa bansa.   

Sa kanyang programang Spotlight, sinabi ni Pastor Apollo na isang napakalaking puntos ang pagbatikos ni Senator Tolentino.   

“Napakalaking punto, kaya nga sa kanyang ginawang desisyon walang pumalakpak kundi ang CPP-NPA-NDF lang pero ang buong taong-bayan, wala. Sira ang judge na ito, sira. Kaya maliwanag na maliwanag na siya ay kakampi doon, hindi na siya makapagtago,” pahayag ni Pastor Apollo. 

Ikinumpara ni Pastor Apollo ang ginawa niya sa isang ahas na tila kating-kati na at hindi na mapigilan kaya nagsilitawan at hindi na kayang makapagtago.   

  “Di ba? Iyan nagsisilitawan na, hindi na makakapagtago. Ito rin, kating-kati na hindi na makapag-tago kaya lumabas na. Lumabas na siya, nakita na natin ang balat niya. Dekolores sila, ang ganda ng kanilang… Kita niyo ang sawa ang ganda ng pattern ng kanilang mga balat. Nakaka-engganyo no kung tingnan mo, sawa pala. So, ‘yan hindi na makakapag-tago,” sabi ni Pastor Apollo. 

Samantala, ayon din kay Pastor Apollo na hindi na dapat pagkatiwalaan ang nasabing judge dahil sa nasira na niya ang kanyang sarili at wala na itong maihaharap pa sa taong bayan.   

  “Di ba siya din ang sumira sa sarili niya na hindi na siya dapat pagkatiwalaan pa. Kaya tama itong sinabi ni Sen. Tolentino na walang basehan ang kanyang pagbibigay ng desisyon ayon sa mga sinasabi ng ating konstitusyon ngayong bago. Ang pinag basehan niya ‘yung Human Security Act na, defunct naman iyan. Ang bago ngayon ‘yung ATL, Anti-Terrorism Law, dapat doon siya bumase kasi nandudoon,” pahayag ni Pastor Apollo. 

 Sa huli ay sinabi ni Pastor Apollo na dahil magkaiba ang desisyon ng nasabing judge sa naging deklarasyon ng Korte Suprema maging ng ibang bansa sa CPP-NPA-NDF na isa itong teroristang grupo ay isa lamang ang ibig sabihin nito. 

Biro mo, ‘yan oh, dito nangyayari sa ating bansa, dito ang mga NPA na ito, ang CPP-NPA, 12 na bansa nag-declare na sila ay terorista. Itong mismong judge na to hindi nag-declare na terorista sila, anong ibig sabihin? Kasama, so, ‘Ka’, ‘Ka Malagar’,” pagtatapos ng butihing Pastor. 

 

Follow SMNI News on Twitter