Pastor ACQ, pinuri ang AFP sa pagtitiyak na hindi na muling makababangon ang CPP-NPA-NDF

Pastor ACQ, pinuri ang AFP sa pagtitiyak na hindi na muling makababangon ang CPP-NPA-NDF

IKINATUWA ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagtitiyak ng Armed forces of the Philippines (AFP) na hindi na muling makababangon ang komunistang teroristang grupo sa bansa.

“Wala akong masasabi sa ating Sandatahang Lakas kundi “kudos”, ayon kay Pastor Apollo.

Ito ang reaksyon ni Pastor Apollo kasunod ng pahayag ng Philippine Army na  hindi nila hahayaang muling makabangon ang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Bagay na hinangaan ng butihing Pastor sa kanyang programang Spotlight nitong Huwebes, Enero 19.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang tunay na tagapagtanggol ng mamamayan at hindi ang rebeldeng komunistang grupo.

“Sino ang pader? Ang Armed Forces of the Philippines para hindi sila managumpay na sigurado. Mula’t mula pa, hinahangaan ko na ang ating Armed Forces of the Philippines. Sila ang nagtanggol sa ating bayan.  Noong tumitiklop na ang ating civil government sapagkat wala silang magawa, sinong tumayo? Armed Forces of the Philippines, hanggang ngayon,” dagdag ng butihing Pastor.

Ikinatuwa rin ni Pastor Apollo ang pahayag ng militar na wala dapat ang kumpyansa sa kanilang hanay.

“Tama, huwag magkumpyansa tulad no’ng dalawang sundalo nasa humanitarian mode, in good faith, ang kanilang paglalakad, tinambangan; huwag na, tapos na ‘yun,” aniya.

Sa ngayon isa sa mga nakikitang hakbang ng militar para sa tuluy-tuloy na pagbagsak ng teroristang grupo ay ang tulong ng mga lokal na pamahalaan hanggang sa barangay upang hindi na bumalik ang mga rebelde sa kanilang mga lugar.

Ito’y sa pangunguna na rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).

“Noon sila ang tumutulong sa NPA. Ngayon, nakikipagtulungan na sa gobyerno. Bakit? Nakita nila ‘yung NTF-ELCAC. Tapos, nakatikim na sila ng katas ng ating gobyerno, ‘di ba? ‘Yun ang Panatang Makabayan. Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan upang maging malakas at kapaki-pakinabang. Ngayon lang nangyayari ‘yan,” ani Pastor Apollo.

“Noon, masasabi mo bang, “Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan?” Pagkatapos wala ka namang daan? Pati kabayo mo napipilay dahil sa putik? Sus. Ngayon, mayroon na. Ayaw naman ng NPA ‘yan. Ayaw ng white area frontliners nila ‘yan. Ayaw ni Ms. Varona niyan,” dagdag nito.

“Walang daan, walang paaralan, walang patubig para ang mga ahas maglulungga doon. ‘Yan ang espousal ng mga ito kaya ayaw nila ng NTF-ELCAC,” paliwanag ni Pastor Apollo.

Patuloy rin ani Pastor Apollo ang kanyang dalangin para sa tagumpay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“Para sa Sandatahang Lakas, idinadalangin ko po ay lalo kayong gamitin ng ating Panginoong Diyos para ipagtanggol ang ating bayan sa loob at labas ng mga kumakalaban. Purihin ang Dakilang Ama,” pahayag ni Pastor Apollo.

 

Follow SMNI News on Twitter