Pastor ACQ, pinuri ang matapang na pahayag ni Justice Secretary Remulla vs ICC

Pastor ACQ, pinuri ang matapang na pahayag ni Justice Secretary Remulla vs ICC

PINURI ni Pastor Apollo C Quiboloy, SMNI Honorary Chairman, ang matapang na pahayag ni Justice Secretary Boying Remulla laban sa International Criminal Court (ICC) dahil sa paulit-ulit nitong tangkang pag-iimbestiga sa bansa dahil sa drug war ng nakaraang administrasyon.

“Well, nagsalita na ang ating Secretary of Justice, Secretary Boying Remulla ng DOJ, Department of Justice at ang ating Solicitor General na si Menard Guevarra. Eh bakit pa iginigiit ng ICC ang kanilang gustong mangyari sa ating bansa? Eto na naman, ginagamit na naman ito sila. So, tama itong sabi ng ano (DOJ), huwag nang manghimasok kase umuusad naman ang hustisya rito,” ayon kay Pastor Apollo.

Ayon kay Pastor Apollo, bakit pa kailangang imbestigahan ng ICC gayong gumagana naman ang hustisya sa bansa.

“Mayroon naman tayong hustisya, sabi ng ating President Bongbong nung tinanong sa kanya iyan eh, hindi na kailangan ng ICC kase meron tayong working justice system. Dun kayo pumunta sa mga Banana Republic, bakit dito kayo? Ang ganda ng aming hustisya dito,” ayon pa ng butihing Pastor.

Matatandaang matapang na pinahayag ni Secretary Remulla at Solicitor General Menard Guevarra na isang disservice at walang merito ang ginagawa ng ICC prosecutor Karim Khan dahil tila ito ay pagkuwestiyon sa kakayahan ng hustisya sa Pilipinas at matagal na ring hindi kasapi ang bansa mula nang mag withdraw sa ICC ang bansa noong 2019.

Follow SMNI NEWS in Twitter