Pastor ACQ, sang-ayon sa hindi pag-endorso ni PRRD ng isang presidential bet

Pastor ACQ, sang-ayon sa hindi pag-endorso ni PRRD ng isang presidential bet

INIRERESPETO ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi mag-endorso ng presidential candidate para sa May 9 general elections.

Saad ni Pastor Apollo sa programang Powerline na isang wise decision ang ginawa ni Pangulong Duterte.

“It’s a very wise move. Why? Because if meron siyang itataas, ito yung ano ko. Parang nanalo sya dahil sa Pangulo na parang, ang ibig kong sabihin ang gusto ng Pangulo, ‘You win in your own merit’, na wala siyang pakialam, tama ‘yun, wala siyang kinakasihan. Kasi siya ang pinakamagaling na Pangulong lumitaw sa Pilipinas. Kung itaas niya ang kamay mo tapos hindi ka naging magaling tapos nagnakaw ka rin, tapos gumawa ka ng kabulastugan diyan, itinaas niya ang kamay mo damay siya ‘di ba,” ayon kay Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, 98% ang performance rating ni Pangulong Duterte kaya tama lang na hindi niya ito dungisan sa pamamagitan ng pag-endorso.

Saad pa ni Pastor, mas mainam din na manalo ang isang kandidato sa pamamagitan nang pagsusumikap nito.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na neutral siya at wala siyang papanigang kandidato.

Ngunit handa naman si Pangulong Duterte na mag-endorso ng lokal na kandidato na hindi kakampihan ang New People’s Army at ayaw sa iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter